ni Maricris Valdez Nicasio
KUNG nasanay tayo na buhok o taklobo (clams) ang nakatakip sa dibdib ng mga artistang nagsiganap sa Dyesebel, kaliskis naman ang ginamit ng Dreamscape Entertainment Television sa boobs ni Anne Curtis para takpan iyon.
Ayon kay Anne, “Kaliskis. ‘Yun din po ang same thing na gumawa sa akin sa ‘Dyosa’ (rati niyang teleserye sa ABS-CBN2) kaya alam kong protektado ako,” paliwanag ni Anne.
Pinanatili namang golden orange ang kulay ng buntot ni Dyesebel matapos napagdesisyonan ng management na sundin ang original version ng The King of Philippine Comics na si Mars Ravelo.
“I think what happened there was a last-minute change and they decided to stick to the original color of ‘Dyesebel’ which is the coral orange color, they decided na kung ano ‘yung original ‘yun na lang talaga,” paliwanag pa ni Anne na sinabing kinailangan nilang mag-reshoot dahil ang mga naunang ginamit niyang buntot ay kulay pink.
“We were able to fix that right away. We shot everything again,mayroon kaming reshoot, yes mayroon, change ng color.”
Samantala, kung very happy naman si Anne sa pagganap bilang Dyesebel sa isang teleserye, hindi rin niya inaalis na pangaraping magawa sa pelikula.
Halaw sa obra maestra ni Ravelo ang Dyesebel ng ABS-CBN2 na sesentro sa kuwento ng dalagang ipinanganak na sirena na si Dyesebel (Anne), ang bunga ng pagmamahalan ng babaeng si Lucia (Dawn Zulueta), at ng sireno na si Prinsipe Tino (Albert Martinez).
Matapos lumaki sa mundo ng mga sirena, isang malaking hamon ang nakatakdang harapin ni Dyesebel sa pagtuklas niya sa daigdig ng kanyang tunay na ina—ang mundo ng mga tao. Kaya bang talikuran ni Dyesebel ang mundo na kanyang kinalakihan? Matatagpuan nab a niya sa lupa ang inaasam-asam niyang pagmamahal at pagtanggap o dito niya mararanasan ang mga matinding kalupitan?