Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pretty naman kasi at effective pa, Sam Pinto hindi nawawalan ng endorsement

 
ni  Peter Ledesma

Matagal nang endorser ng Sunsilk shampoo si Sam Pinto. Wala pa siya noon sa showbiz at hindi pa sumasali sa Pinoy Big Brother ay paborito nang kunin ng produktong ito si Sam. Siyempre ngayong sikat na ay mas lalong nagkaroon ng interes ang mga taga-Sunsilk na gawin na si-yang house endorser. Puro panalo ang mga TVC ni Sam lalo na ‘yun solo siya at tumutugtog ng violin. Maganda ang naging impact nito at balita namin mas lumaki ang sales ng nasa-bing product. Ngayon ay ‘yung silang tatlo naman ni Toni Gonzaga at Heart Evangelista ang umeere at pabolosa rin ang nasabing TVC. May isa pang endorsement si Sam na hindi rin siya pinapalitan at ‘yan ay ang San Mig Light na hit na hit sila ng guwapong modelo sa TV ads. Halos three years nang ipinalalabas sa iba’t ibang network ang nasabing commercial at isa lang ang ibig sabihin nito effective bilang celebrity endorser ang alaga ni Ms. Claire dela Fuente. By the way, may tatlong re-gular show pala sa GMA 7 si Sam at mapapanood n’yo siya every Sunday sa Sunday All Stars, Bubble Gang at Vampire ang Daddy ko kasama ang mag-amang Bossing Vic Sotto at Oyo Sotto. May isang malaking pelikula rin na niluluto ang Viva Films na pagbibida-han ng pretty at sexy Kapuso actress.

Kasambahay Inulan Ng Maraming Biyaya Sa Sugod-Bahay Sa Barangay Sa Eat Bulaga

Sa kakapiranggot na suweldo, bilang kasambahay sa isang pamilya sa Tondo, pinagkakasya ni Ginang Rowena ng Brgy. 202 Zone 18 Tondo, Manila ang kanyang kinikita para sa pang-araw-araw nilang pamumuhay ng mga anak at mister na diabetiko. Tubong-Leyte si  Rowena at walang-wala rin ang kanyang pamilya, kaya kaila-ngan niya talagang kumayod mag-isa para mabuhay sila ng pamilya. Pero, kahit kailan ay hindi raw nawalan ng pag-asa ang nasabing misis at sa araw-araw na panonood niya sa Eat Bulaga na tulad ng marami ay naghahangad na manalo sa Sugod-Bahay sa Barangay ay umasam rin at nangarap na suwertehin. Dininig ng itaas ang hiling ni Rowena dahil last March 8, ang panga-lan niya ang nabunot sa nasabing public service segment  na agad-agad siyang tinawagan ni Bossing at sinugod ng JOWAPAO na sina Jose, Wally at Paolo para ibigay sa kanya ang lahat ng premyong napanalunan noong araw na ‘yun. Bukod sa mga regalo mula sa iba’t ibang sponsor  at passbook  na may initial deposit  at ATM mula sa Bossing Saving’s Bank at BPI Globe Banko, wagi rin ng brand new na Suzuki Raider J si Aleng Rowena na kaloob sa kanya ng Bulaga at Motortrade at  binigyan pa siya ng programa ng tulong-pinansiyal na halagang  P45K para sa pagpapaaral ng mga anak at medication ng mister na maysakit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …