Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Enrique at Julia, enjoy sa isa’t isa

ni  Reggee Bonoan

MAY chemistry sina Enrique Gil at Julia Barretto at posibleng sila ang maging permanenteng love team.

Napansin ito ng mga dumalo sa birthday presscon nina Enrique at Julia noong Martes sa Fisher Mall na nagdiwang noong Lunes (March 10) ang dalagita na 17-anyos na samantalang 22-anyos naman ang binata sa Marso 30.

Ang dalawang young stars ang bida sa upcoming seryeng Mirabella na kapalit ng Anna Liza na malapit nang magtapos at base na rin sa kilos nina Ken at Julia ay walang nakitang hiyaan o ilangan kaya iisa ang ibig sabihin, enjoy silang ka-trabaho ang isa’t isa.

Good thing na napalitan sina Kiko Estrada at Diego Loyzaga na supposedly leading men ni Julia dahil hindi pa nila kayang magdala ng isang serye lalo’t pare-pareho silang mga baguhang tatlo.

Kailangan ni Julia ng suporta ng malaking artista kaya si Enrique ang ipinartner sa dalagita lalo’t marunong namang umarte at maganda naman ang feedback sa kanya.

Unang beses palang magka-trabaho sina Ken at Julia pero parang sanay na sila sa isa’t isa, dahil kung magbiruan ay akala mo taon na silang nagkakasama.

Hindi nga lang puwedeng lagyan ng love angle sina Enrique at Julia dahil bata pa ang dalagita at pinagbabawalan pa siyang magkaroon ng boyfriend ng mama niyang si Marjorie Barretto.

Para kay Ken, “hindi naman po imposible ’yon. Pero dapat wala munang ganoon. Dapat trabaho lang. Pero siyempre, hindi naman imposibleng ma-attract ako kay Julia,” mabilis na sabi ng binatang aktor.

Ani Julia, “naku, bawal pa. Bata pa ako. Hindi pa ako puwedeng ligawan. Ayaw ng mommy ko.”

Samantala, ang nadiskubre ni Ken sa dalagita, “maharot siya kasi sobrang kulit. Pero cute ’yung kakulitan niya. Solid! Madali kaming nagkasundo. Hindi na ako nag-adjust dahil pareho kami ng ugali.”

Nagpasalamat naman si Julia sa Dreamscape Entertainment dahil tuloy na tuloy na ang Mirabella sa Marso 24, Lunes.

Pahayag ni Julia, “Akala ko talaga pagkatapos ng mga nangyari ay wala na. Buti na lang pinagtiwalaan pa rin ako ng Dreamscape and very soon, ipalalabas na ang ‘Mira Bella’.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …