Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Edward’s health and fitness book, inilunsad

PROBLEMA n’yo ba ang kawalan ng oras para makapag-work-out? Problema n’yo rin ba ang sobrang timbang o lumalaking katawan? Pwes, ito na ang kasagutan sa mga problema n’yo, ang libro ni Edward Mendez, ang Your Dream Body Come True.

Kung lahat ng weight-loss programs ay nagsasabi na bawasan ang ating pagkain ng kung ano-ano, kakaiba naman ang fitness principle o pilosopiya ni Edward, Eat More, Exercise Less.

Ito ang nakapaloob sa libro niyang, Your Dream Body Come True. Nakapaloob sa libro ang guidelines at steps on fitness training at proper food intake na makatutulong sa isang personalidad na ma-achieve ang kanyang goal hindi lamang ang makapagbawas ng timbang, bagkus ang makamit o magkaroon ng inaasam na magandang pangangatawan.

Actually, sinubukan ni Edward ang iba’t ibang challenge sa kanyang career. Ngayon, ang ABS-CBN artist at official Sexy Solutions by Belo fitness consultant ay may advocacy para sa good health at fitness sa pamamagitan ng bagong level, ang paggawa nga ng libro.

Sa libro’y idinetalye ang personal health at fitness journey ni Edward mula sa pagiging overweight young adult hanggang sa makamit ang “dream body”na inaasam niya. Dahil sa extensive study at researches sa  US ni Edward, nakatulong ito sa kanya para magkaroon ng wisdom to put in motion a fool-proof system to realize this goal. Ang sikreto aniya, ay galing sa training at optimum nutrition.

Ipinanganak si Edward sa ‘Pinas at lumaki sa Maryland, USA na roon siya nag-aral at nagpakadalubhasa para mabuo o makuha ang wisdom in precision training at optimum nutrition. Nakatulong sa pagbuo niya ng libro ang malalim na pagkaunawa at hilig sa sports science and medicine. Naging daan din ito para mas maunawaan niya kung bakit at ano ang nais ng isang tao para magkaroon ng magandang pangangatawan.

Ilan sa mga tinutulungan ni Edward para magkaroon ng dream body sina Ces Drilon, Martin Nievera, Dr. Vicki Belo, at Cristalle Henares. Kaya naman sa Belo’s Sexy Solutions, ang program ni Edward ay in-demand sa non-surgical arm ng Belo clinic na naka-focus sa pagpapa-payat bagamat kasama rito ang technology, fitness, at tamang nutrisyon.

Ang Your Dream Body Come True ni Edward Mendez  ay mabibili sa lahat ng National Book Store outlets, Fullybooked, Belo Medical clinics, Sexy Solutions clinics, at Zalora.

So, ano pa hinihintay n’yo, bili na kayo ng libro para ma-achieve n’yo na ang pinapangarap na katawan.

ni  M.V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …