Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Habeas corpus ni Delfin Lee kinatigan ng CA

PINAGPAPALIWANAG ng Court of Appeals (CA) ang NBI at PNP na umaresto noong nakaraang linggo kay Globe Asiatique president Delfin Lee, kung ano ang kanilang naging basehan para arestuhin at ikulong ang negosyante sa kasong syndicated estafa.

Ito’y makaraan pa-boran ng CA Special 1st Division ang petition for writ of habeas corpus ng kampo ni Lee.

Sa kautusan ni Associate Justice Manuel Barrios na sinang-ayonan nina Associate Justices Normandie Pizarro at Stephen Cruz, inatasan ang PNP at NBI na dalhin at iharap si Lee dakong alas-10 ngayong umaga.

Sa ilalim ng Revised Rules of Court, ang writ of habeas corpus ay ipinalalabas ng hukuman sa mga kaso ng illegal confinement o illegal detention na ginawa sa isang indibidwal.

Inihirit ng kampo ni Delfin Lee sa kanilang petisyon na iutos ng CA na pakawalan ang kontrobersyal na negosyante dahil sa sinasabing illegal arrest.        (K. OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …