Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zaijian, sobrang hinangaan ni Cherry Pie

ni  Maricris Valdez Nicasio

BATANG Coco Martin ang papel na gagampanan ni Zaijian Jaranilla sa master teleserye ng ng ABS-CBN na Ikaw Lamang na magsisimula nang mapanood sa primetime TV sa Lunes (Marso 10).

Ang Ikaw Lamang ay iikot sa kuwento ng anak ng isang masipag na sakada na si Samuel (Coco) na iibig sa anak-mayamang si Isabelle (Kim Chiu). Sa kabila ng matagal na pagkakawalay, muling pagtatagpuin ng tadhana sina Samuel at Isabelle upang ipagpatuloy ang naudlot nilang pagmamahalan.

At dahil isa sa bida sa Ikaw Lamang si Coco, natural na mabigat ang papel na ginagampanan niya. At dito lalong nasubok ang galing ni Zaijian sa pagda-drama. Kung nagustuhan natin siya sa May Bukas Pa, tiyak na mas mamahalin ang isang Zaijian sa Ikaw Lamang dahil sa kakaibang papel na gagampanan niya.

Ayon kay Cherry Pie Picache, na-in-love siya sa galing ni Zaijian na anak niya sa master teleseryeng ito gayundin kay Julia Montes. “Ang gagaling kasi nila. They are all hard working. Pati ‘yung ibang batang kasama namin dito. Ibang klase sila. They are eager to learn kaya masarap silang kaeksena kasi nga madadala ka rin.”

Hindi lang si Zaijian ang napuri sa galing na ipinakita sa Ikaw Lamang. Kahit ang ibang batang kasamahan niya tulad nina Louise Abuel (batang Jake Cuenca), Alyanna Angeles (batang Kim), at Xyriel Manabat (batang Julia) ay tiyak na hahangaan din dahil talaga namang damang-dama nila ang mga papel na ginagampanan.

Hindi rin lang si Cherry Pie ang pumuri sa mga batang ito, saludo rin sa kanila ang mga iginagalang at magagaling na aktor na sina Ronaldo Valdez, Tirso Cruz III, Cherie Gil, Angel Aquino, John Estrada, Daria Ramirez, Meryl Soriano, Spanky Manikan, at Lester Llansang.

“Nakaka-amaze silang katrabaho,” sambit naman ni Ronaldo.

Aminado naman si Zaijian na kinabahan siya sa papel na ginampanan niya. “Kinakabahan po ako lalo na sa iyakan scene. Magagaling po kasi silang lahat lalo na ‘yung nanay ko rito (Cherry Pie).”

Sa powerhouse cast ng Ikaw Lamang hindi nakapagtatakang nasabi nina direk Malu Sevilla at Avel Sunpongco na hindi sila nahirapan sa pagdidirehe dahil nga naman dire-diretso ang naging trabaho nila at kahit sino’y talagang gaganahan sa napakagagaling na artistang bumubuo rito.

Talagang ibang mag-isip ng programa ang Dreamscape Entertainment Television ng ABS-CBN2 kaya hindi kataka-taka na talagang nagki-click ang kanilang mga programa. Bukod kasi sa napagsasama-sama ang magagaling at de kalidad na artista, naiiba at well research pa ang kanilang mga istorya.

Kaya naman huwag palampasin ang pagsisimula ng kuwentong pag-ibig nina Samuel at Isabelle sa Ikaw Lamang na mapapanood na sa Lunes sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …