Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Masarap maging bata

TUTOK lang sa GMA News TV program na Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) dahil isang espesyal na panoorin ang sasainyo ngayong Sabado, 9:00-10:00 a.m..

Dalawang tinaguriang “child wonder” ng Philippine cinema ang sorpresang makakapanayam ni Mader Ricky Reyes. Malalaman natin mula sa kanila kung ‘di ba naapektuhan ng kanilang pagtratrabaho sa murang edad ang kanilang paglaki at kabataan? Nagsisisi ba sila na ‘di natikman ang karaniwang ginagawa ng mga bata tulad ng paglalaro, regular na pagpasok sa eskuwelahan,  at pakikibarkada sa mga kaedad dahil agad nasabak sa harap ng kamera?

Ilan sa mga child superstar ng kanilang henerasyon sina Tessie Agana, Snooky Serna, Nino Muhlach, Matet de Leon, Serena Darlymple. Camille Pratts, Angelica Panganiban, at Aiza Seguerra. Masasagot ba nila ang tanong na, masarap bang maging bata?

Tampok din sa GRR TNT ang isang 25-anyos na binata na kahit sa murang edad ay nagkaroon ng “autism” at nagpakita ng kahenyuhan sa pagtugtog ng iba-ibang musical instruments.

Ipakikita naman ni Mader ang iba-ibang paraan ng “rejuvenation” o prosesong pampabata. Siyempre pa, maraming tao lalo na mga babae ang nagnanais maging “forever ganda.”

May interbyu rin sa isang batang may diabetes na matapos uminom ng food supplement na Organique Acaiberry ay gumaling. “Wonder drug” ba ito?  Hayaan ninyong ang youngster na ito ang magpatunay.

Basta usapang tungkol sa kagandahan, kalusugan, tagumpay, at kabuhayan, ang GRR TNT prodyus ng ScriptoVision ang programang para sa inyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …