Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

GMA7, nate-tensiyon sa dyesebel ng ABS-CBN2 (Bukod kasi sa malalaking artista ang bida, ginastusan pa)

ni  Reggee Bonoan

PASPASAN na ang taping ng Dyesebel ni Anne Curtis dahil ie-ere na raw ito ngayong Marso, pauunahin lang ang Ikaw Lamang nina Coco Martin at Kim Chiu.

Kinukulit kami kung kailan daw ang airing ng Dyesebel kasi naman sa trailer ay sinasabing malapit na.

Anyway, trulili kaya ang tsikang natanggap namin kahapon na tensiyonado na ang GMA sa nalalapit na paglangoy ni Dyesebel dahil ang itatapat nila ay ang Kambal Sirena ni Louise de los Reyes?

At para hindi halatang tensiyonado ay sinabihan kami ng taga-GMA ng, “nakapupuwing ang maliit, remember David and Goliath?”

Oo nga naman, ang laking artista ni Anne Curtis plus Gerald Anderson at Sam Milby kompara kina Louise de los Reyes at Aljur Abrenica.

Ikinuwento namin sa aming kausap na taga-GMA ang feedback ng ilang netizens na mas maganda ang mga costume ng Dyesebel bukod pa sa sikat ang bida at leading men kompara sa programa nilang itatapat.

Ganting sagot sa amin, “’yun nga, kaya para makilala nila sino si Louise, eh, ‘di panoorin nila ang ‘Kambal Sirena’.”

Nabanggit din namin ang tsikahan ng mga kasambahay na mas pipiliin nilang panoorin ang kilala nilang artista kaysa hindi.

“Abangan na lang natin kung ano ang panonoorin,” sabi ulit sa amin.

Samantala, naikuwento sa amin ng dating GMA executive na maganda ang Coron, Palawan dahil dito rin nag-taping noon si Marian Rivera para sa version niya ng Dyesebel taong 2008, “imagine after five (5) years, si Anne naman ang lalangoy doon? Sobrang ganda ng place at bagay talaga ang ‘Dyesebel’ doon.  Kaya perfect ‘yun para kina Anne.

Inasar namin ang aming kausap kung nabigyan ba ng justice ni Marian ang Dyesebel at kung nag-rate ba ito nang husto?

Sabi sa amin ng dating GMA executive, “ikaw talaga, hayaan mo na, baka mas maganda nga itong ‘Dyesebel’ ni Anne kasi knowing ABS, wala silang pakialam sa budget.”

Oo naman, ‘di ba ateng Maricris? (Tama!!! Sa buntot pa lang na ginagamit ni Anne, malaki na ang ginastos—ED)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …