Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

My Token of Love sa March 22 na!

ni  Maricris Valdez Nicasio

KAHANGA-HANGA ang ginagawang pagtulong ng magaling na singer na si Token Lizares. Mula noon hanggang ngayon, hindi siya tumutigil sa pagtulong.

Napag-alaman naming gumagawa siya ng concert para lamang ibigay ang kinikita niyon sa mga foundation na tinutulungan niya. Tulad ngayong March 22, isang konsiyerto ang muli niyang gagawin, ang My Token of Love na special guest niya sina German Moreno, Michael Pangilinan, Prima Diva Billy, Niza Limjap, A.J. Tamisa and Lee Chazz, at Richard Poon. Ito’y mula sa musical direction ni Butch Miraflor. Front act naman ang kapatid na manunulat na si Alex Datu.

Gagawin ito sa Teatrino Greenhills, San Juan, 7:30 p.m.. For ticket inquiries, please call Ticket World (02) 891-9999.

Isang fundraising event ito na ang kikitain ay ilalaan sa renovation ng Holy Family Home, Bacolod Foundation Inc.-Re-insertion Center. Ito raw ay extension ng center para sa mga college girl na sinasanay para mamuhay independently bilang paghahanda sa kanilang re-integration sa society.

Ang Holy Family Home-Bacolod Foundation Inc., ay isang institution na nagbibigay ng masisilungan, proteksiyon, prevention, at rehabilitasyon sa mga abandoned, neglected, orphaned girls. Ito ay isang non-stock, non-profit, at non-government organization na pinamamahalaan ng Congregation of the Capuchin Tertiary Sisters of the Holy Family, a Congregation with Franciscan-Amigonian Spirituality.

Kaya watch na kayo, nakatulong na kayo, nag-enjoy pa kayo sa mga handog na musika ni Token at ng kanyang mga special guest.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …