Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Early favorites sa Bb. Pilipinas 2014

NGAYON pa lang sa isang sulyap sa mga Bb. Pilipinas 2014 official candidates, makikita na ang ilang paboritong lumilitaw dahil agaw-pansin na ang mga ito sa mga die-hard fan ng Bb. Pilipinas pageant. Bakit naman hindi, napakarami na nating mga international beauty queens na nagmula sa timpalak-kagandahang ito.

Kasama rito sina Pia Alonzo Wurtzbach, (no. 8),  24, tubong Cagayan de Oro. Dating siyang ABS-CBN Star Magic artist na hinangaan din sa Miss Supranational 2013 pageant dahil siya ang 1st runner-up ni Mutya Johanna Datul; Kris Tiffany Janson, (no. 13), 24, Cebuana at isang Finance Analyst sa isang packaging company sa Maynila. Kahit tipong seryoso ang kanyang trabaho, si Tiffany ay isang skim boarding enthusiast, mahilig mag- travel at gusto niyang tuparin ang wish ng namayapa niyang ama na maging isang major beauty pageant winner.

Kasama rin si Yvette Marie Santiago, (no. 35), taga-Daraga, Albay at isa nang Certified Public Accountant sa edad na 20. Bago sumali sa Bb. Pilipinas 2014, nanalo siya bilang World Miss University sa Korea nang siya ay 17 years old pa lang. Nakakalula man sa tangkad niyang 5’10″, si Mary Anne Bianca Guidotti, (no. 22), 24, ng Taguig. Nagtapos siya ng degree in European Studies major in International Relations sa Ateneo de Manila UNIVERSITY at kasalukuyang Technical Assistant ng Executive Director sa Community and Family Services International. Nasa kanya na ang proverbial “beauty and brains” tag, idagdag mo pa ang tri-lingual talent, fluent in Portuguese, English, at Filipino.

Ang Aklan beauty na si Ladylyn Riva, (no. 39), 26 ay isa namang registered Nurse,  freelance make-up artist, at  print and commercial model. Aktibo rin siya sa isports na tennis, badminton, at wakeboarding. Siya raw ang ‘dark horse’ sa timpalak na ito dahil nanalo na siya bilang Miss Casino Pilipino at sumali na sa Bb. Pilipinas Beauty Pageant 2011 at nakapasok sa semi-final.               (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …