Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ina ni Kathryn, aminadong kinikilig sa tambalan nila ni Daniel

ni  Pilar Mateo

SA Thanksgiving press conference para sa Got to Believe ng ABS-CBN na magtatapos na sa March 7, 2014 with their #bestendingever, nakausap namin ang butihing ina ni Kathryn Bernardo na kinagigiliwan ng mga manonood sa karakter niya bilang Chichay.

Ang mga bagay kasi na natanong kay Kathryn eh, may kinalaman sa love life nito. Kung sila na nga ba ni Daniel (Padilla), kung pinapayagan na ba siya na ma-kiss o makipag-kiss on screen. At kung payag na ba ang mga magulang niya na may umakyat na ng ligaw sa kanya.

Sabi naman ng very accommodating na Mommy ni Kathryn, pagdating sa bagay tungkol sa ligawan, hindi raw nila sinasakal ng kanyang mister ang anak nila sa isang bagay na normal lang naman na mangyari sa isang dalaga, lalo pa at gaya ni Kathryn.

“Paalala lang naman ang lagi naming nasasabi sa kanya. Pero, hindi kami ‘yung tipo na maghihigpit sa kanya pagdating sa bagay na ‘yan. Kasi, ako naranasan ko rin ang mapaghigpitan noon. kaya, kung ano ‘yung sa tingin ko na nagdulot sa akin ng hindi magandang karanasan o pakiramdam, ‘yun naman ang iniiwasan kong mangyari kay Kathryn.

“At saka, hindi ako ‘yung nagbibigay ng date kung kailan pwede ligawan ang anak ko. Malaki na siya. Naituturo namin sa kanya kung ano ‘yung tama. Hindi naman natin malalaman kung ano ang mangyayari bukas. Kaya, kung ano ‘yung ngayon, doon tayo magpo-focus.”

Naniniwala ba si Mommy sa mga gaya naming paniwalang-paniwala na na sina Kathryn at Daniel na?

Natawa si Mommy.

“Kayo na po ang nagsabi. Sa kanila pa rin natin malalaman ang sagot. Ang sa akin naman, mababait ang mga bata. Nakikita ko ang isang magandang pagtitinginan ng magkaibigan sa kanila. Ako na, aaminin ko, kapag pinanonood ko sila eh, talagang kinikilig ako.”

At sigurado kami na isa si Mommy sa totoong malulungkot dahil mami-miss na niya sina Chichay at Joaquin gabi-gabi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …