Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Obsina sisters, from siksik to sexy (Una mang napalabas sa Biggest Loser camp)

ANG nurse sisters na sina Dianne at Tin Obsina ang unang pares na pinauwi mula sa The Biggest Loser Pinoy Ediiton Doubles camp pagkatapos ng unang competitive weigh-in ng reality show kamakailan.

Sina Dianne at Tin ang ibinoto ng kanilang co-contestants na patalsikin sa kompetisyon laban sa officemates na sina Mai at Bien, na gaya nila ay nalaglag din sa ilalim ng yellow line.

Nakapagbawas sina Dianne at Tin ng 17 pounds o 3.76% ng kanilang panimulang timbang pagkatapos ng dalawang linggo ng puspusang training.

Idineklara namang Biggest Losers ng linggo ang mag-asawang Carl at Kayendahil sila ang nagtala ng pinakamalaking weight loss percentage na 8.41% o 43 pounds.

Kahit puno ng pag-aalinlangan sa kanilang pag-uwi sa takot na mabibigo nila ang kanilang ina, maraming baong leksiyon mula sa camp ang magkapatid.

“Natutuhan naming ‘wag magpadala sa kaba. Kasi sobrang daming bagay dito na unang tingin pa lang namin, feeling namin hindi namin kaya. Pero nalagpasan namin ‘yung challenges,” ani Dianne.

Nangako naman si Tin sa nalalabing bigating doubles na ipagpapatuloy nila ni Dianne ang pagpapapayat sa labas ng camp. ”Thank you for the trust na ibinigay ninyo sa amin na kaya namin sa labas. Good luck on the rest of your journey. We promise na kapag nagkita tayo ulit, sexy na kaming dalawa,”pahayag niya.

Tinupad naman ng Obsina sisters ang pangako dahil sa recent photo  nila, makikita kung gaano na sila kaseksi ngayon.

Samantala, pagpasok ng panibagong linggo, isang pambihirang pagsubok ang haharapin ng natitirang doubles dahil magsisilbi silang teacher at student ng isa’t isa. Ang teacher ang magsasanay sa kanyang partner (student) na magpapayat, habang ang student naman ang tatanggap ng instructions mula sa teacher sa pag-eehersisyo. Sa pangalawang competitive weigh-in, tanging ang timbang lang ng student ang bibilangin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …