Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rona, may Pamaskong handog concert

MASAYANG ibinalita ng maganda at mahusay na mang-aawit na si Rona Dela Rama na mayroon siyang show na gagawin sa December 12, Thursday sa Music Box, Timog Ave., Cor., Quezon Ave., Quezon City. Ito ay ang Re-Throw Back na makakasama sina Mel Kevin, Joan, Roselyn at ang bagong sumisikat na compositor o arranger na si Max Gilbert.

Ayon kay Rona, labis siyang nagpapasalamat kina Margie Varela at Gianne Calzado Cajipo, mga producer ng show. At siyempre sa mga bumubuo pa rin ng production na sina Rod P. Alvarez (musical director), Khen R. De Mesa (choreographer), Alfred Tousan (photography-artist), at siyempre ang kanyang mentor-manager na si Fred S. Concepcion. Ang show ay nasa ilalim pa rin ng Artist Camp Entertainment Management.

Si Rona ay unang nakilala sa larangan ng pagkanta nang maging student ni Boots Arbarachi ng Metro Center Pop For Music. Hanggang sa maging mahusay sa pagbirit at maraming sinamahang shows. Naikot na rin niya ang maraming lalawigan para maging isa sa mga performer sa mga kapistahan. At dito nag-ugat ang lahat kung kaya’t madalas siyang naiimbitahan sa mga malalaking show o para maging panauhin sa mga concert.

Si Rona rin ang tinaguriang Princess of Youtube Concert.

Sinabi pa ni Rona na bata pa s’ya ay talagang pangarap na n’ya ang pumasok sa larangan ng musika. Kahit kailan ay hindi s’ya tumigil o nagpabaya na halos araw-araw ay nakatutok sa harap ng telebisyon na  pinanonood ang lahat ng uri o iba’t ibang live show.

Kaya kitakits po tayo sa Dec. 12 sa Music Box para malaman ninyo kung bakit siya tinaguriang Princess of Youtube Concert. (Manny Camacho)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …