NAGING matagumpay ang pagdaraos ng 3rd Filipino Reader Con sa pakikiisa ng mga Filipino writer, publisher, book reader/collector, bloggers, at ng iba’t ibang grupo ng electronic social media na ginanap noong Disyembre 7 sa Rizal Library ng Ateneo de Manila University, Sikatuna, Quezon City.
Kabilang sa mga writer na dumalo sa event sina Rey Atalia, author ng mga aklat na Walang Hagdan Patungong Langit, Karayom (Tagos sa Puso at Utak) at Just Call Me Lucky at William Rodriguez ll, author ng Septic Tank, Pagtatalik ng Bolpen at Papel, Kwentong Lasing, Diskarter Pinoy, Adik sa Facebook, atbp..
Naging speaker sa Reader Con ang premyadong manunulat ng Palanca na si Eros Sanchez Atalia at organizer/facilitator naman si Bebang Siy ng UP at UST National Writers’ Workshops.
Pangunahing layunin sa ginanap na Filipino Reader Con na pag-isahin ang iba’t ibang grupo ng mga mambabasa sa nabanggit na okasyon sa ngalan ng pag-ibig o hilig sa pagbabasa ng mga aklat.