Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karylle at Yael, ikakasal na next year!

FINALLY, mabibigyan na ni Karylle ng apo ang mama niyang si Zsa Zsa Padilla sa 2014 dahil ito ang napili nilang taon para magpakasal ng boyfriend niyang si Yael Yuzon ngSpongecola.

Matatandaang panay ang ungot ni Zsa Zsa ng apo sa panganay niyang anak kaya’t aminado rin ang dalaga na napi-pressure siya sa nanay niya.

Pero hindi alam ng lahat ay pinag-uusapan na rin pala nila ito ng long time boyfriend niyang si Yael na panahon na para magpakasal sila dahil doon din naman sila patungo.

Kuwento mismo ng aming espiya ay nag-propose na si Yael kay Karylle dalawang buwan na ang nakararaan at tinanggap na raw ito ng dalaga.

“Matagal nang nag-propose si Yael kay Karylle at sa tingin ko, it’s about time na rin kasi matatanda na sila, they’re both successful in their field so, anong problema? Wala namang sabit pareho, walang anak si Yael sa pagka-binata, ano pa hinihintay nila? Matatanda na sila,” tsika sa amin ng aming source.

Tinanong namin ang aming kausap kung alam na ba ito ng daddy ni Karylle na si Dr. Modesto Tatlonghari dahil sa pagkakaalam namin ay hindi ito boto kay Yael.

“Eh, walang magagawa si doktor kasi anak naman niya ang makikisama. And I believe na alam nina Zsa Zsa (Padilla) at mga kapatid ni Karylle kasi botong-boto silang lahat.

“Hindi ko masisisi ang daddy ni Karylle kasi technically, siya ang nagpalaki kay K at higit sa lahat, sa kanya pa rin umuuwi si Karylle at magkasama sila sa bahay.

“Kung ako rin, anybody na magustuhan ni Karylle ay hindi talaga boto si Dr. Tatlonghari, but we have to face the fact na K is not getting any younger, she’s over thirty (32) so, ano pang hinihintay? ‘Yun nga lang, mas matanda si K kay Yael ng five (5) years, kasi he’s twenty seven (27) and it doesn’t matter naman now a days ‘di ba?”sabi pa sa amin.

Wala pang ibinigay sa amin kung anong petsa, buwan, at venue ng kasal dahil kasalukuyan pa raw itong pinag-uusapan, ”definitely magpapa-interview din silang dalawa, hindi palang sila handa now,” sabi pa sa amin.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …