MATABIL
ni John Fontanilla
HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula si direk Fifth Solomon.
Matagal-tagal na ring hindi nakikitang umaarte si direk Fifth at mas visible sa pagididirehe ng pelikula at commercials.
Pero ayon kay Fifth, gusto pa rin naman niyang umarte depende sa materyales at kung may oras siya.
Sa ngayon ay abala ito sa pagdidirehe ng Viva One seriessi direk Fifth, ang My Husband is a Mafia Boss na pinagbibidahan nina Joseph Marco at Rhen Esçan̈o.
First time magdidirehe ng action genre si direk Fifth, kaya naman masayang-masaya ito at excited dahil pinagkatiwalaan siya ng Viva.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com