MATABIL
ni John Fontanilla
NAGULAT at walang alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking si Kaila Estrada sa aktor na si Daniel Padilla.
Ani Gelli, “Wala akong alam, hindi ako ready. Hindi ko alam ‘yan.
“Basta, hayaan na lang natin sila, malalaki na sila.”
Dagdag pa nito, “Kung ano ang ikaliligaya nila, roon sila.””
“Ayokong ma-involved! Ayoko!”
Ayon pa kay Gelli, inaanak niya si Daniel.
“Matagal ko nang kilala si DJ. Inaanak ko pa nga si DJ.”
Mukhang mas gusto na lang tumahimik ni Gelli at ayaw sumakay sa isyu ng pamangkin, pero dahil sa naglalabasang balita sa relasyon ng dalawa ay marami ngayon ang namba/bash kay Kaila at natanong dito si Gelli kung ano ang advice niya sa kanyang pamangkin.
“Ganoon talaga sa industry eh, when you’re out there.
“It’s something you have to deal with.
“Not everybody will like what you do. Not everybody will like you.
“Basta wala kang sinasaktan, ‘yun ang importante.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com