PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MAGANDA naman ang pasok ng taon para sa Kapuso actress na si Barbie Forteza. Ang kanyang pelikulang P77 ay available na sa Prime Video at pasok pa nga sa Top 10 Movies sa Pilipinas.
Ilang araw nga lang matapos itong maging available sa streaming platform ay umalagwa na agad at pinanood ng mga subscriber.
Nitong Lunes (Jan. 12) lang, nasa #2 slot na agad ito. As of this writing ay ‘di pa rin natitinag ang psychological horror film sa top 10.
Kasama rin sa pelikula sina award-winning child actor Euwenn Mikael, veteran actors Jackie Lou Blanco, Carlos Siguion-Reyna, Gina Pareño, Rosanna Roces, pati na rin sina Chrome Cosio at JC Alcantara, sa direksiyon ni Derick Cabrido.
Bida rin si Barbie sa Brillante Mendoza film na Until She Remembers at napanood sa pelikulang Kontrabida Academy. Sa TV, huling napanood si Barbie sa hit primetime series na Beauty Empire.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com