MATABIL
ni John Fontanilla
BONGGA ang 2026 ng baguhang singer na si Debbie Lopez dahil sunod-sunod ang proyektong gagawin ngayong taon.
Tsika ni Debbie, “This february i’m going to record my new song titled ‘Show me the Night.’
“It’s a romantic ballad song na ‘yung hinihintay ng lahat na collaboration namin nina sir Mon Del Rosario at ng composer ng song.
“Tapos may RNB song akong ire-record this coming June and isang danceable song na tatlo ‘yung language—Visaya, Tagalog and English.”
By this year ay plano nitong makapag-record ng five songs and soon ay gagawin niyang full album.
Magkakaroon din ito ng bonggang birthday concert, na tina-target nitong maging special guest si Ice Seguerra o ang kanyang crush na si JM De Guzman.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com