Monday , February 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PMPC

Mga bagong opisyales ng PMPC naihalal na

NAIHALAL na ang mga bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards, Inc. sa ginanap na eleksiyon noong Enero 9 sa opisina ng grupo sa Roces Avenue, Quezon City.

Pinangunahan ang 2026 PMPC officers and board members ng newly-elected president na si Fernan de Guzman. Nagbabalik bilang Pangulo si De Guzman matapos ang maka-ilang beses na rin niyang pamumuno para patuloy na pagsilbihan ang PMPC.

Ang iba pang mga bagong opisyal ay kinabibilangan nina Rodel Fernando, vice president; Eric Borromeo, secretary; Mildred Bacud, assistant secretary; Boy Romero, treasurer; Jimi Escala, assistant treasurer; Joey Austria, auditor; Evelyn Diao, PRO (English); at Glen Sibonga, PRO (Filipino).

 Binubuo naman ang Board of Directors nina John Fontanilla, Leony Garcia, Melba Llanera, Mell Navarro, Rommel Placente, at Francis Simeon

 Ang PMPC Star Awards Inc. ay samahan ng showbiz media (entertainment editors, kolumnista, bloggers, TV and radio hosts). Ang grupo ang nag-oorganisa ng taunang Star Awards for Movies, Television, at Music.

Sa panahon ng panunungkulan ni De Guzman, sisikapin niya kasama ang mga opisyales at miyembro ng PMPC na pag-ibayuhin pa ang antas ng lokal na pamamayahag ng industriya ng entertainment, para sa kapakinabangan ng lahat, lalo na para sa maayos na samahan at kapakanan ng buong PMPC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Heart World Season 2

Heart walang engrandeng piging sa kaarawan sa Feb 14 

I-FLEXni Jun Nardo AMINADO si Heart Evangelista na maarte siyang tao. “At least, may kinapuntahan ang pagiging …

Mentorque Barako Fest 2026

Barako Fest ng Mentorque sa Marso na

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INIHAYAG ng Mentorque ang pagbabalik ng BarakoFest, isa sa pinaka-aabangang multi-experience festivals sa Southern …

Kitkat Favia

Kitkat muling nagparetoke: ayaw ma-expire

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAPAPANGIWI kami kung paano ang ginawang proseso sa pagpapa-botox ni Kitkat Favia. …

Nico Antonio Lala Sotto MTRCB

Bagong MTRCB Board Members nanumpa

HARD TALKni Pilar Mateo PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas talaga ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM …