HARD TALK
ni Pilar Mateo
SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama ang buong pamilya.
“Dadalawin ko na rin ang sister ko who recently gave birth din. Kaya reunion talaga lalo na aa lolo and lola.”
Tinanong ko kasi siya kung ano ba ang handa nila sa Pasko at mag-apply kaya ang P500 budget sa kanila.
“Hindi po namin mae-experience. Sila ang maghahanda for us back there.”
At bago dumating ang Pasko, may ini-rekord na kanta si Janah mula sa panulat ni Ricky Rivera, na naglalayong makapagbahagi ng pagmumulat sa sambayanan sa pinagdaranan natin ngayon. Isang adbokasiya. Na sinasang-ayunan naman ng magandang dilag.
Ang awit na O, Panginoon, Pangunahan Mo ang Pagbabago ay masasabing isang anti-corruption song. Isang dasal ng pagsamo sa nakasubaybay sa lahat ng nangyayari sa atin dito sa lupa.
Isa ring reminder ito ng Artikulo XI ng nabuong samahan o movement ni Ricky para huwag tayong makalimot. Bukod sa kanta ni Jannah, anim na piyesa pa ang nakatakdang ilabas ni Ricky.
“Public office, is a public trust.” Ang sinasabi sa Artikulo XI (Onse). Dyan umiikot ang pitong kantang nagawa ni Ricky bunsod na rin ng kanyang galit sa dinaranas ng bansa.
Hindi naman masasambit outright ni Jannah ang kanyang saloobin lalo na sa politikal na paraan.
“Pero dahil po sa kanta, nang ibigay ito sa akin at mapakinggan, that made me realize na talagang music is one way of expressing what and how you feel about certain things. Kaya naramdaman ko ‘yun when we did the recording and even the music video of the song in Morong, Bataan.”
Makakanta ito Jannah sa mga magiging pagtitipon na ang magiging paksa ay tungkol sa mga bagay na gaya ng hustisya at iba pa. Pero sa ngayon, mapakikinggan na ito sa iba’t ibang music platforms.
Alaga ng Star Music si Jannah. At may iba pa siyang nga awiting ibinabahagi sa madla.
Kahit na nakabuo na ng required na oras niya sa pagpapalipad ng isang aircraft (na sumobra pa nga!), sige pa rin ang dalaga sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa mga daoat pa niyang matutunan kahit naka-graduate na.
Reason why, love or being in a relationship needs to take a backseat.
Ang family-oriented na Gen Z ay naka-focus ang isip at puso sa kanyang pagiging piloto at musika.
At gaya ng pag-awit ng isang makabuluhang piyesang ibinabahagi niya lalo na sa mva kabataang gaya niya. Na mamulat sa maraming bagay na dapat na ihingi ng gabay sa ating Dakilang Panginoon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com