Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bojie Dy kamara congress

Dy nanawagan ng pagkakaisa
Para maibalik tiwala ng publiko at maipasa matagal nang hinihintay na reporma sa Kamara

ni Gerry Baldo

NANAWAGAN si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ng pagkakaisa sa hanay ng mga mambabatas at kawani ng Mababang Kapulungan upang maibalik ang tiwala ng publiko at maihatid ang mga repormang matagal nang hinihintay ng taong-bayan, kasabay ng pagpasok ng huling buwan ng taon at nalalapit na kapaskuhan.

Sa kanyang talumpati sa flag-raising ceremony sa Batasan Complex ngayong Lunes, sinabi ni Dy na bagama’t maraming hamon ang kinakaharap ng Kamara, kayang lagpasan ang mga ito kung mananatiling nagkakaisa at nagtutulungan ang institusyon.

“Ilang buwan pa lamang ang nakakalipas mula nang pagkatiwalaan tayo na pamunuan ang institusyong ito. Napakalaki ng hamon at suliraning ating nadatnan,” sabi ni Dy. “Ngunit alam kong hindi ako nag-iisa— kasama ko ang tapang, talino, at puso ng bawat kinatawan at bawat kawani dito sa Kapulungan.”

Binigyang-diin ng Speaker ang pangangailangang unahin ang kapakanan ng mamamayan.

“Magkaisa. Magtulungan. Isantabi ang pansariling interes para sa kapakanan ng mamamayang Filipino,” aniya.

Ayon kay Dy, ngayon ang panahon upang maging sandigan ng katatagan ang Kamara at harapin ang mga pambansang hamon nang may linaw, tapang, at iisang layunin.

“Kung may panahon mang hinihingi ang pagkakaisa, iyon ay ngayon na,” wika niya. “Kung may puwang man para maging liwanag tayo sa gitna ng dilim ng kaguluhan, pagdududa, at maling impormasyon—ito na ang tamang panahon.”

Binigyang-puri ni Dy ang mga kawani ng Kamara na tinawag niyang “haligi at lakas” ng institusyon, at tiniyak na ang mga repormang isinusulong ay para maitaas ang dignidad at paggalang na nararapat sa kanila.

“Darating ang araw na hindi na kayo magdadalawang-isip o mahihiyang sabihing kayo ay empleyado ng Kamara,” ani Dy. “Hindi na magtatagal at makalalakad kayong taas-noo dahil kabahagi kayo ng pagbabagong sama-sama nating isinusulong.”

Hinikayat din ng Speaker ang lahat na huwag magpapadala sa political noise at maling impormasyong kumakalat lalo na sa social media.

“Huwag nating hayaang maapektohan tayo ng mga nababasa o naririnig sa social media. Kayang-kaya nating baguhin ang imahen ng institusyong ito sa pamamagitan ng tapat at makabuluhang paglilingkod,” aniya.

Sa paglapit ng Pasko, hiniling ni Dy sa buong institusyon na maging pinagmumulan ng pag-asa, pagkakasundo, at liwanag.

“Magpakatatag. Maging liwanag. Maging tulay ng pagkakasundo. Maging dahilan ng pag-asa,” sabi niya.

Sa huli, nanawagan ang Speaker sa lahat ng miyembro at kawani na salubungin ang taong 2026 nang may pagtitiwala, pagkakaisa, at panibagong dedikasyon sa paglilingkod.

“Salubungin natin ang liwanag ng taong 2026 na mas masaya, mas masigla, at puno ng pagbabago at pag-asa,” pagtatapos niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …