Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robin Padilla VIVA Vic del Rosario

Robin limang pelikula gagawin sa Viva

HARD TALK
ni Pilar Mateo

LIMA agad! Opo! Ang pelikulang ihahain ng Viva sa Netflix para kay Robin Padilla.

Sumosyo ang RCP Productions nito kay Boss Vic del Rosario para sa mga pelikulang gagawin niya.

Nagsimula na ang kanyang Bad Boy 3.

Hindi naman kaila na ang titulo ng pagiging Bad Boy ay minana nito sa sa nagsilbing action king sa panahon nina Rudy Fernandez at Ace Vergel. Ace was the original Bad Boy of Philippine Cinema in his prime.

Pero dumating ang panahon na kinailangan nang ilipat ni Alas ang trono sa bagong nais na bigyan ng pagkakataon ng Viva.

At naikuwento nga ni Binoe ang pagkikita nila ni Alas sa Viva. Roon sa lumang opisina nito sa Sct. Albano (na kinatatayuan ngayon ng isang malaking coffee shop).

Haha! Nandoon ang inyong lingkod. Kasi nga PR ni Alas. Meeting-meeting na sila noon. And I remember direk Deo Fajardo o Dikong of Binoe). The rest is history.

Kaya kung tinatanong ito ngayon kung sino sa tingin niya ang papasahan ng titulo bilang Bad Boy ng Philippine Cinema, walang gatol na sinabi nitong walang iba kundi ang pamangkin na si Daniel Padilla.

Maisasantabj naman daw niya ang politika dahil nagamay na niya kung paanong aasikasuhin ang pagharap niya sa posisyon bilang senador.

Gaya ng halos kapanabayan niyang si Richard Gomez (na balik-pelikila ngayon sa Salvageland ng Viva), miss ni Binoe o mas tinatawag naming Manong Batch ang showbiz. Lalo at nakikita ang mga OG na media.

Nililigawan pa raw nila ni Boss Vic si Ma’am Sharon Cuneta para sa una niyang proyekto.

Pero hindi naman inaaliw ang posibilidad na muli niyang maging kapareha ang mga dati na niyang naging leading ladies. Na nakarelasyon din ba? Ano ang reaksiyon ngayon ng maybahay niyang si Mariel Rodriguez sa pagbabalik niyang muli sa pelikula? Nakilala rin naman kasi siya dati na playboy.

Ikaw naman, Batch nagsisimula pa lang tayo, eh. Si Mariel naman, nakasuporta sa mga ginagawa ko. Sa trabaho ko. Hands-on sa pagiging ina ng aming mga anak.

“Ako nga ang nahiya sa kanya. Kasi, may isinakripisyo siya na alam kong gustong-gusto niyang gawin. Nag-usap nga kami tungkol diyan kagabi. Nagkaiyakan. Alam niyo naman kung gaano kahalaga sa kanya ang mag-host. Pero may mga bagay na kailangang isaalang-alang.”

Nag-enumerate na ang mga kaharap niya ng mga pangalan ng mga leading lady na napalapit din sa puso niya.

Noong panahon namin, natin, alam niyo naman kung paano ang shoot. Madalas kayo magkasama. Magkausap. Kaya hindi maaalis na magkahulugan ng loob. Noon naman ‘yun. Ngayon iba na. Digital na nga tayo, eh.”

Kung karisma rin naman ang pagtutuunan ng pansin, nananatili pa rin ‘yun kay Binoe. Sa itsura, baby face pa rin. Sa porma, machong-macho.

Kayang-kaya pa ring sakyan at panindigan ang pagiging Bad Boy!

Signed and sealed na ang kontrata. To be delivered na lang ang mga proyekto.

Streaming next.  Abangan na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …