PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
GAYA ng nauna na naming isinulat dito na mukhang sa kasalan na mauuwi ang relasyon nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, heto nga’t binulaga na lang ang showbizlandia ng mga picture ng kasal nila.
“Ang bilis. Parang noon pa nila ito naplano,” sey ng netizen na nagulat noong mag-anunsiyo ng engagement ang dalawa sabay labas din ng balitang nasa interesting stage na raw marahil si Loisa.
Mukhang sa mismong Air BNB resort nila sa Tagaytay ikinasal ang dalawa base sa mga picture na lumabas sa socmed. Although sinasabing “inunahan” pa ng mga marites ang bagong kasal sa pag-post ng wedding photos nila.
Anyway, binabati natin ang dalawa na since naging mga housemate ni Kuya sa PBB some ten years ago ay hindi na naghiwalay.
As we reported, abala sa pagnenegosyo sina Ronnie at Loisa though may activity pa rin sa showbiz si Loisa. Kasama nga siya sa Regal Entertainment movie entry sa Metro Manila Film Festival na SRR: Evil Origins.
Congratulations!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com