MATABIL
ni John Fontanilla
MAY bagong dagdag sa lumalaking pamilya ng Beautederm na pag-aari ni Rei Anicoche-Tan at ito ang Phenomenal Star na si Vice Ganda at Ion Perez na pumirma ng kontrata last November 17 na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire North bilang latest endorser ng Belle Dolls.
Ayon kay Ms. Rei matagal na niyang gustong maging parte ng Beautederm si Vice Ganda at kahit ‘di pa man ambassador ng Beautederm ay nagkakatulungan na silang dalawa. Katunayan ay tatlo ang scholar ni Ms Rei sa mga tinutulungan ding pinag-aaral ni Vice Ganda.
Kuwento ni Vice, “Beautederm and Rei have always been so generous, hindi kami lumapit sa kanila. Noong nalaman nila na mayroon akong mga activation na nangangailangan ng suporta, they reach out to me to support, to lend a helping hand.
“Wala siyang sinabing ‘tutulungan kita’ pero pa post, walang ganoon! Eh sa panahon ngayon ‘di ba parang ang daming didikit sa ‘yo pero post mo, ‘yung ganoon.
“Minsan nga okey lang kung nagpapaalam, ‘yung iba wala eh, ‘yung biglang chichika….Ay ang taray posting ‘yung ganion. Siya (Rei) wala siyang anything.”
Dagdag pa ni Vice Ganda kung papano sila nagkakilala ni Ms Reu at kung paano nagsimula ang pagiging magkatuwang nila sa pagbibigay scholarship sa mga deserving student.
“We met at Taste of LA to offer help for my travel series ‘yung ‘Gandara The Beksplorer.’ Kasi noong nalaman niya na nagbibigay ako ng scholarship, sabi niya, ‘baka gusto mo dagdagan ‘yung pinapaaral mo, tutulong ako kasi ‘yun ‘yung advocacy ko, education.
“Tapos sabi niya, ‘puwede akong magbigay ng scholarship kung maraming nangangailangan at kailangan mo ng katuwang. Nag-offer siya to help at nagdire-diretso na ‘yung friendship namin.”
Dagdag naman ni Ms Rei, “At alam niyo just to add po, hindi lang po scholarship dahil ‘yung mga magulang ay binibigyan din natin ng pangkabuhayan showcase.
“So sakto ‘yung sinabi kanina ni achi, na hindi ko naman na ‘pag magme-message ‘yung team Vice… ma’am Rei may scholar si meme Vice ganyan. Okey tapos nagtataka ako kasi pati Beautederm vlog niya, tapos sasabihin niya ulit na, ‘may kaibigan ako na gusto mag-aral. Parang doon pa lang naa- appreciate ko na okey na sa akin na banggitin niya minsan pero oa dalawang logo ganoon.
“Parang sakto ‘yung sinabi ni achi kanina, wala naman kaming ini-expect sa isa’t isa talaga. Kasi alam ko naman na dapat sa dami namang naging endorsers ko, sa dami ng A listers ko, alam ko naman ang ‘di dapat ‘pag mayroong kontrata ‘di ba?,
“Pero rito ‘di kami nag-expect, pero ‘di siya naging madamot. Kaya tingnan n’yo God will make a way, pa third year na ang aming mga scholar at marami pa tayong susunod niyan achi.”
Sinabi rin ni Vice na tatlo na ang sinusuportahang scholar ni Ms Rei na malapit nang gumradweyt at kahit sa It’s Showtime ay handa itong tumulong na labis na naa-appreciate ni Vice Ganda.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com