Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kim Chiu sexy

Kim tapos na sa teeny bopper image, alindog inilantad 

MA at PA
ni Rommel Placente

SA bagong serye ni Kim Chiu, katambal ang ka-loveteam na si Paulo Avelino, ang The Alibi ay gumaganap siya bilang prostitute.

Sa isang eksena, nagpo-poll dance si Kim at nagpakita ng kanyang alindog.

Tinanong si Kim sa naganap na mediacon  kung paano siya napapayag na magpakita ng skin.

Ang ganda ng launching ng body ko, thank you so much!” birong umpisang sagot ni Chinita Princess.

Dugtong niya, “Siguro naman as a 35-year-old woman, tapos na tayo sa 16 years old role na teeny (bopper), pero favorite ko talaga ang mag-teeny-teeny, magpatawa.

“Pero ‘pag tina-track ko ‘yung journey ko sa industriyang ito, parang nahati ko naman na sa teens noong 20s (naisip ko), ano ang ipakikita ko sa aking 30s? I think it’s my skin!” tumatawang sabi ulit ni Kim.

“Pero malaki talaga ang tiwala ko sa Dreamscape as in sila talaga ang naghubog sa akin…Danica (creative manager) hala nakaiiyak (emosyonal na). Hala bakit? Hindi naman siya ginawa (na wala lang), but in artistic way.  Medyo mahirap gawin pero, bakit ako naiiyak?

“Gusto ko lang magpakita ng bago. At sa mga nagsasabing hindi ako marunong sa ganitong klaseng role ito na, ito na ‘yun and I want to prove  them wrong, all of them, that I can do more than what they know.

“So, thank you talaga sa Dreamscape and of course si Pau rin naman malaking tulong din siya dahil kita ko naman ‘yung respeto niya sa akin and sa mga direktor namin na inaalagaan ‘yung mga shot and ‘yung mga cameraman at sa mga nag-iilaw, ang ganda ng launching ng body ko, thank you!

“At sa nag-choreo (choreographer) sa akin at sa gym trainor ko, thank you so much pero more than the skin, it’s what inside me and what I want to show to all my supporters and kung magkakaroon man ng bagong supporters maraming salamat po.”

Anyway, alamin ang masalimuot na sikreto ng mga bida ng The Alibi na eksklusibong napapanood sa Prime Video na simula ngayong  Biyernes Nobyembre 7.  At tuwing Biyernes mapapanood ang bagong episode  sa higit 240 bansa at teritoryo.

Kasama nina Kim at Paulo sa serye sina John Arcilla, Zsa Zsa Padilla, Sofia Andres, Irma Adlawan, Rafael Rosell, Robbie Jaworski, Angelina Cruz, Alyanna Angeles, Alma Moreno, PJ Endrinal, Lotlot Bustamante, Ian de Leon, Romnick Sarmenta, Enzo Osorio, Ayesha Bajeta, Thou Reyes, Alora Sasam, Marvin Yap, Johaira Omar, Yesh Burce, at Kim Tubiano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …