MATABIL
ni John Fontanilla
LUMIPAD patungong Japan si Fifth Solomon para magbakasyon at pasyalan ang kanyang ina at Japanese sister na naninirahan doon.
Kuwento ni Fifth, “Nag-Japan ako para makahinga-hinga. Favorite ko rin po kasi talaga ang Japan dahil sa food, fashion, culture and mababait nilang locals.
“Maganda rin ang weather ngayon dahil hindi sobrang lamig. Tamang-tama lang.”
Dagdag pa nito, “Nakipagkita rin ako sa mama ko at half-Japanese sister ko sa Japan. Matagal na rin kasi kaming hindi nagkita.
“Ito na rin ’yung time na maka-bonding ko ‘yung sister and mother ko.”
Sa Japan na rin nag-celebrate ng Halloween si Fifth. “Naki-celebrate rin ako ng Halloween dito.”
Ito na rin ang pagkakataon na pasyalan at libutin ni Fifth ang iba’t ibang magagandang lugar sa Japan. Bale one week lang ang ilalagi ni Fifth sa Japan dahil kailangan niya ring bumalik kaagad sa Pilipinas para sa mga proyekto pa niyang gagawin ngayong taon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com