HARD TALK
ni Pilar Mateo
OA naman talaga ang clamor para sa repeat ng pagsasama ng dalawang OA sa kagalingan pagdating sa talento nila sa pagkanta, pati na sa pagsusulat nito.
Si Ogie Alcasid. Songwriter. Na katakot-takot na hits na ang ginawaran ng parangal sa maraming pagkakataon. At patuloy pa ring inihihinga ang kanyang mga awitin.
Si Odette Quesada. Bagama’t mas pinili na ang manahan sa Amerika ay inililipad pa rin ng kanyang mga himig sa bansang sinilangan. Dahil din sa kanyang mga kanta.
OA ba sila pagsamahin?
Sa November 7, 2025 sa Sam Mall of Asian Arena, magtutunggalian na naman sila, hindi sa boses kundi sa puso ng pagbibigay buhay nila sa mga awiting sariling atin. OPM. Original. Pilipino Music.
Nagsabing mga sikat at pinasikat nilang mga kanta ang mga OA.
Marami ngang sikreto pa at doon na lang mapakikinggan sa pagsasama nila.
Nakauwi na sa bansa si Odette. Naghahanda na para sa big night nila ni Mr. A.
Sabi ni Ogie, may tribute sila para sa namayapang King of Rap ng kanyang panahon na si Francis Magalona. Kaya sinisiguro nitong magiging nostalgic ang gabi.
Hindi pa rin makalimutan ni Ogie nang personal na mapanood at nakita ang idolo niyang si Paul McCartney. Na halos matunaw daw siya sa unang banat pa lang nito sa kantang Hey, Jude (na isinulat nito para sa anak ni John Lennon na si Julian). Ang pagkalabit sa kwerdas ng kanyang gitara.
Kaya inspiradong-inspirado ito sa Q & A concert nila ngayong Biyernes.
Kaliwa’t kanan man at sunod-sunod ang mga serye nang pagtapak ni A sa sari-saring entablado, iba pa rin ang matuutnghayan sa kanila ni O sa nasabing petsa.
At buo ang tiwala sa kanila ng mga sumusuporta sa nasabing pagtatambal gaya ng Rebisco, Katinko, Mango Tree, Mogu Mogu, McDonalds, Mega Sardines, MWell, PAL, JB music, InLife, LBC at Glass Ballroom ng Okada Manila.
Buong ningning, binuo ito ng ATeam ni Alcasid at ng NY Entourage Production, at ni Ms. Sharon Cuneta.
Ano pa kayang ka-OA-‘yan ang ihahatid ng dalawa?
Itinanong ko kung ang awitin ba ng namayapang partner ni O na si Bodjie Dassig na Mabuti Pa ay kakantahin?
Malamang daw sabi ni A. Kakantahin niya at mayroon din sin si A na kakantahin naman ni O.
So, abangan!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com