MATABIL
ni John Fontanilla
NOMINADO ang Celebrity businesswoman at Philanthropist na si Cecille Bravo ng Intele Builders and Development Corpotation sa 41st Star Awards for Movies bilang Darling of the Press. Makakalaban niya ang ilang celebrities na malapit din sa puso ng mga press.
Ilan dito ay sina Kim Chiu, Rez Cortez, Baby Go, Martin Nievera, Imelda Papin, Piolo Pascua, at Gladys Reyes.
Bukod sa pagiging businesswoman ay isa rin itong film producer, na ilan sa mga ginawang pelikul ay ang Co-Love at Faney.
Minsan na rin itong umarte sa pelikula, napanood itong nag-cameo sa Co-Love kasama sina Jameson Blake, Kira Baringer, Alexa Ilacad, at KD Estrada at bumida sa Aking Mga Anak na nakatrabaho sina Hiro Magalona, Natasha Ledesma, Jace Fierre atbp..
Well deserved sa nominasyong nakuha niya bilang Darling of the Press si Ms Cecille dahil sa pagmamahal at suporta nito sa showbiz industry at sa press people.
Ang 41st Star Awards for Movies ay magaganap sa November 30, 2025 (Sunday), sa San Juan Theater, Pinaglabanan Road, San Juan City. Produced by GSD Productions, headed by the dynamic Ms. Elai Tabilog, and directed by the visionary Jorron Lee Monroy.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com