Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Martin Del Rosario Migs Almendras

Martin at Migs ‘di man umasa, pero napagtagumpayan

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

PROUD ang GMA 7 artist center kina Sparkle artists Martin Del Rosario at Migs Almendras dahil sa tagumpay na natamo nila sa katatapos na Cinesilip Film Festival awards night. 

Nagwagi si Martin bilang Best Actor para sa pelikulang Haplos sa Hangin. Ang pelikula ring ito ang nakakuha ng 3rd Best Film, Best Screenplay, at Best Musical Score. 

Sey ng ilang netizens, “Magaling naman talaga si Martin del Rosario kahit anong role ibigay sa kanya, kayang-kaya niya. Congrats.”

Sa maikling tsika namin kay Martin during the awards night, sinabi nitong marami ngang nagsasabi sa kanya na malaki ang chance niyang manalo that night. 

Ayaw ko man pong umasa pero masarap makaramdam ng ganoong papuri. Siguro iiyak ako sa tuwa,”sey nito sa amin. Hindi nga lang namin nakita kung umiyak nga ito.

Samantala, nanalo naman bilang Best Supporting Actor si Migs na gumanap bilang si Maki para sa pelikulang Dreamboi

Komento ng aktor sa kanyang Facebook post nang may nagtanong kung umaasa siyang makakuha muli ng isa pang award sa upcoming film.

Sagot niya, “I’m at this stage in my life where I’m just enjoying and having a great time. Bonus na lang ‘yung ganoon for me I guess.”

Magkasama rin ang dalawang aktor sa pelikulang Multwoh (Patay na Patay Sa ’Yo) isa sa mga official entry para sa Puregold CinePanalo Film Festival 2026.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …