Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Innervoices

Innervoices household name na

HARD TALK
ni Pilar Mateo

FULL-PACKED. Kahit saan sila sumampa. Kahit saan sila kumanta. Maliit o malaki ang venue, household name na sa lahat ng henerasyon ang matatawag ngayong premier band sa panahong ito. Ang Innervoices.

Ilang dekada na rin naman kasi ang dinaanan nito na sinimulang alagaan ni Atty. Rey Bergado. Side hustle ‘ika nga. Dahil lahat naman ng naging miyembro ay mayroong day jobs.

Ang daming imbak na kanta ni Atty. Rey sa kanyang “music box”. At unti-unti ngang nailalabas ito. At may  iba ring nagbibigay ng piyesa sa kanya.

Ikaapat na bokalista na ngayon si Patrick Marcelino. But over the years kumalampag na at nagmarka na ang banda. It’s actually a rock band. But as the tides turned nariringgan na rin sila ng mga love song.

And this time nag-release sila ng upbeat na Pasko sa Ating Puso

Danceable tune ang gustong palaganapin ni Atty. Rey sa kanta. At na-inspire siya sa mga nakasanayan na ating Christmas songs.

Ang  inikutan ay ‘yung pagsasama-sama ng pamilya. Sa hapag. Sa simbahan. Sa tahanan. Na kung maririnig mo na pwede mong sabihing pwede siyang maging theme song o station ID pa nga. Natumbok ni Atty. Rey ang gusto niyang mapalaganap sa kanta. At sa tinig ni Patrick, aalingawngaw na ito sa sumaliw na husay din ng timpla ng bawat miyembro ng banda-Jojo sa drums, Rene at Alvin sa gitara, at si Joseph at Atty. Rey sa keyboards.

Ang sarap sayawan ng tugtugan nila. Hataw na hataw! 

All meant to be … For  them to come together  and be part of this premier band…  Saksi Ang Mga Tala… At magsa-Sayaw Sa Ilalim ng Buwan…sa Gala ng bawat isa … Even those in the Shadows are willingnto Wait for You in the Rain… Lalo ngayong palapit na ang  Pasko… sa Ating Mga Puso…um-Idlip Man…lahat ng elemento ay magsasama-sama-Tubig Apoy Hangin Lula… Kaya sasambitin Handa Na Kitang Mahalin !!!  

Subaybayan sila sa Hard Rock Cafe Manila at Makati, Noctos sa Quezon City. BAR IX sa Molito mayroon din sa 19 East. o sa Tunnel Bar sa Parqal.

Nagawa na nilang itono ang kanilang musika. Tumapak na sa malalaking venues. Napakinggan na ng UMG at lumatag na ang kontrata. Kaliwa’t kanan ang guesting.  Ano pa?

Promise nila. They are here to share their different kind of sending messages through their original songs.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …