PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
AYAN na nag-umpisa na uli ang PBB Collab hoping na ma-duplicate if not malampasan nito ang tagumpay at kasikatan ng nagdaang edition.
Bumalik na rin si Luis Manzano bilang male host ng show at inaasahang makadaragdag ng kinang sa programa.
Sa mga nakita naming listahan ng housemates na may total of 20, halos iilan lang ang aming nakilala.
As per checking, halos lahat pala sila ay naging child stars gaya nina Marco Masa at Sofia Pablo. ‘Yung Joaquin Arce na hindi pa naman celebrity status ay obvious na nangangapital sa name niya at sa pag-endorse rito ni Angel Locsin na matagal nang hindi aktibo sa showbiz.
Mga teen housemate silang maituturing dahil sa mga edad nila at hindi pa talaga sila celebrities kaya medyo nakakaloka ‘yung PBB Celebrity Collab 2.0 title nila.
But then again, since reality show na may pagkahalong ‘scripted’ at some point, sige na nga. Baka naman biglang mag-boom!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com