MATABIL
ni John Fontanilla
PAGKATAPOS tanggapin ni Papa Dudut at ng kanyang program ang Spotify Creator Milestone Award last February, may panibagong award itong natanggap. Ito ang Best Podcast of the Year ng kanyang Baranggay Love Stories sa 6th Alta Media Icon Awards.
Nagpapasalamat si Papa Dudut sa University of Perpetual Help System DALTA – Las Piñas sa recognition na ibinigay sa kanya.
Post nito sa kanyang Facebook, “Maraming salamat po sa University of Perpetual Help System DALTA – Las Piñas sa pagkilala sa ating programa bilang Best Podcast of the Year! Wagi! Barangay LS ?????”
Ang programang Barangay Love Stories ang itinuturing na pinakasikat na programa sa FM Radio at si Papa Dudut din ang itinuturing na pinakasikat na FM Radio DJ sa bansa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com