MATABIL
ni John Fontanilla
HUMINGI ng tulong si Rosmar Tan at asawang si Jerome Pamulaklakin sa Raffy Tulfo in Action last October 16, dahil sa ginawang pagnanakaw sa kanila ng mahigit P1-M sa kanilang negosyo ng pinagkatiwalaang staff.
Hindi raw inakala ng mag-asawa na gagawin sa kanila iyon ng nasabing staff lalo’t hindi na nila ito itinuturing na iba, bagkus ay parang pamilya at right-hand.
Ang nasabing staff ang humahawak sa mga bayad sa kanilang resort.
Hindi rin alam ng mag-asawa ang ginawa ng staff na pagbebenta ng resort equipment.
Pinayuhan ni Tulfo ang mag-asawa na mag-file ng qualified theft complaint at higpitan ang pagbabantay sa financial monitoring systems para maiwasang mangyari muli ang ganoong insidente.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com