Sunday , December 7 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pokwang Lee OBrian

Pokwang suko na sa pag-ibig, mas focus sa trabaho at pamilya

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI na interesado na maghanap ng bagong pag-ibig si Pokwang bagkus mas gusto na lang mag-focus sa kanyang trabaho at pamilya.

Tsika ng komedyante sa guesting show ni Boy Abunda sa GMA 7 na Fast Talk with Boy Abunda,Hindi na, wala na, Tito Boy, wala na. Ayoko na,” sagot nito nang matanong tungkol sa pag-ibig.

Kuwento pa ni Pokwang na lilipad siya pa- Amerika para sa series of shows, na biniro ni Tito Boy na baka may ma-meet siyang bagong pag ibig sa USA.

Ayoko na po. Okay na okay na ako sa mga anak ko, okay na ako sa negosyo ko, okay ako sa career ko. I’m happy,” sagot ng komedyante.

Tinanong din ito ni Tito Boy kung may chance bang makipag -reconcile siya sa kanyang  ex-partner na si Lee O’Brian, na sinagot ni Pokwang ng, “Bilhan niya ako ng island.”

Mukhang malabo na ngang maging okey at magkabalikan sina Pokwang at Lee at malabo na ring magkaroon ng bagong pag-ibig ang mahusay na komedyana lalo’t mas gusto na lang nitong mag-focus sa trabaho at pamilya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …