MATABIL
ni John Fontanilla
MGA future PBA Superstar ang apat na players at pambato ng Adamson Baby Falcons na sina
Sekond Mangahas, 14, 6’0”; Jacob Maycong, 14, 6’2”; Shaun Vargas, 15, 5’11”; at Karl Vengco, 15, 6’1”.
Bagama’t mga bata pa ang apat nagpapakita na ng husay at galing sa paglalaro ng basketball, kaya naman ‘di malabong sila ang susunod na titilian at iidolohin ng mga Pinoy na mahilig sa basketball.
Bawat isa ay may kanya-kanyang hinahangaan at iniidolong basketball player. Paborito ni Jacob si Kevin Quiambao, habang si Second naman ay si Cedrick Manzano, si Shaun si LeBron James, at si Karl naman si Kobe Brayant.
Bukod sa pagiging asketball player, pang-artista rin ang dating nina Jacob, Sekond, Karl, at
Shaun, katulad ng mga PBA atNBA players na sinubukan at pinasok din ang mundo ng pag-arte.
Paborito ni Jacob ang mahusay na komedyante na si Wally Bayola, si Second naman ay ang Kapuso star na si Alden Richards, habang si Shaun ay paborito si Sanya Lopez, at si Karl ay ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com