MATABIL
ni John Fontanilla
ISA si Kathryn Bernardo sa nagbigay-tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng lindol.
Sa pamamagitan ng kanyang inang si Tita Min Bernardo kasama ng kanyang team ay peronal na pumunta sa Cebu ang mga ito para ipamahagi ang relief goods at medical assistance na galing kay Kathryn.
Nag-post si Tita Min ng mga larawan at videos sa kanyang Instagram sa kanilang pagbisita sa mga affected area kasama ang mga volunteer na nagpapamahagi ng food packs, medical checkups, at blood pressure monitoring. May caption iyong, “Bayanihan for Cebu.
“Our kababayans in Cebu have been deeply affected by the recent earthquake… The trauma, especially among children, is unimaginable,” sabi pa ni Tita Min.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com