MATABIL
ni John Fontanilla
IBA talaga magmahal ang isang Coco Martin sa mga taong patuloy na tumatangkilik sa kanya at sa super hit serye na FPJ’s Batang Quiapo.
Bumisita ito sa Tonsuya, Malabon para na rin sa FPJ’s Batang Quiapo ‘Katok Bahay,’ program, na pinuntahan si Albino Alcoy, 65, isang solid viewer ng FPJ’s Batang Quiapo.
Kasama ni Coco na bumisita ang ilan sa mga co-stars niya, na bukod sa pagbisita ay namahagi rin regalo at nakipag-bonding sa mga residente ng Tonsuya, Malabon, na naging location din noon ng ilang eksena ng Bantang Quiapo.
Ayon nga kay Coco, “Finally, ako naman ang pumunta sa kanilang mga tahanan para makapagpalasamat sa kanila ng personal at mayakap sila. Kasi sobra-sobrang biyaya ang ibinigay nila sa amin.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com