PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MAGAGANAP na ang much-awaited reunion ng iconic comedy trio ng Ang Dating Doon na isa sa mga pinakapatok na skit ng Bubble Gang.
Dadalo sa session ng Your Honor sina Isko Salvador (Brod Pete), Chito Francisco (Brother Jocel), at Caesar Cosme (Brother Willy) para pag-usapan ang isyu ng mga woke. Kasama ang hosts ng hearing at vodcast na sina Madam Chariz Solomon at Mr. Buboy Villar, babalikan din ng trio ang pagsisimula ng Bubble Gang 30 years ago.
Tiyak na mapapa-raise the roof sa kakatawa ang mga manonood! Alien? Alien! Abangan ‘yan sa Your Honor, Sabado tuwing 7:15 p.m. sa YouLOL YouTube channel.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com