SA ilalim ng Operation Bayanihan, naglunsad ang GMA Kapuso Foundation ng relief distribution efforts sa Davao Oriental para sa mga biktima ng lindol.
Kasalukuyang umabot na sa 12,000 katao sa Davao Oriental ang nakatanggap ng tulong mula sa GMAKF.
Habang isinasagawa ang mga relief distribution efforts, patuloy pa rin ang Kapuso Foundation sa paghahatid ng tulong sa mga lugar sa Cebu na naapektuhan din ng lindol. Mahigit 3,000 pamilya na mula sa mga munisipalidad ng Sogod, Borbon, Tabogon, at Tabuelan ang nabigyan ng tulong ng Kapuso Foundation.
Sa mga nais magbigay ng tulong sa pamamagitan ng cash donations, maaaring mag-deposito sa mga official bank accounts ng Kapuso Foundation o magpadala sa Cebuana Lhuillier.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com