MA at PA
ni Rommel Placente
MARAMIi sa mga faney ang natuwa nang makita nila si Moira dela Torre sa NAIA. Kasama siya sa batch ng artists na umalis patungong Canada para sa ASAP Vancouver sa October 18.
Magandang balita ito para sa taga-suporta ni Moira dahil matagal din siyang hindi napanood sa nasabing variety show matapos ang iba’t ibang isyu na ibinato sa kanya.
Aminado ang mga faney ng singer na ang sunod-sunod na isyu sa kanya ang medyo nagpalamlam ng kanyang karera.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com