MA at PA
ni Rommel Placente
PINASAYA ni Mariah Carey ang mga Pinoy sa kanyang jampacked concert sa SM Mall of Asia noong October 14.
Tulad ng inaasahan ay marami ang nakisabay sa pag-awit ni Mariah na talaga namang ikinatuwa ng foreign artist.
Hindi naman maiiwasan ang mga intriga dahil may mga nagsasabing ang ilang kanta raw ni Mariah ay lip sync.
May mga puna rin na halos hindi na raw makagalaw si Mariah hindi tulad noong araw.
Pagtatanggol naman ng mga fan, nagka-edad na rin naman si Mariah at huwag namang ihambing ang kanyang energy noong bata-bata pa.
Pero sa kabuuan ay marami ang humanga at natuwa sa nasabing concert.
Na-touch pa ang ilang fans dahil sa dami nilang nag-aabang sa labas ay nag-effort si Mariah na bumaba ng kanyang sasakyan at kumaway para bumati sa kanila.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com