Sunday , December 7 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Lim

Direk Xian inamin ilang beses nadapa sa acting career

MATABIL
ni John Fontanilla

NANGAKO ang direktor ng inaabangang series mula Studio Viva, Media Quest Ventures, at Cignal, at sa pakikipagtulungan ng Webtoon Productions, ang Project Loki na malapit nang mapanood sa Viva One at Cignal Play na  ibabahagi niya sa cast ang mga naging karanasan niya bilang artista sa loob ng maraming taon.

Ani Xian, “I wanna be able to impart with them kung ano ‘yung mga pinagdaanan ko rin in the acting process.

“Ang mga gusto ko na i-impart sa kanila would be the experiences that I encountered.”

Dagdag pa nito, “Siyempre, nadapa. Ilang beses na rin akong nadapa in my journey in my acting career. Maraming beses na rin akong napagalitan on set, nasigawan.”

ikinuwento rin ng aktor/direktor na may mga insidente pa na ‘di siya nakapag-perform at tinanggal sa project.

” At maraming beses akong hindi nakapag-perform, tinanggal ako sa mismong project.

“It’s my job here to guide them para hindi sila maligaw. Ini-explain ko rin sa kanila na, as a director, iba-iba ‘yung sensibilities namin, so iba-iba ‘yung directors na makakasalamuha nila.

“That’s my promise to them na aalagaan kong mabuti ‘yung characters nila, and I will make sure po na each character will shine for this project,” paliwanag ni Xian.

Masaya si Xian dahil nakikita niyang super excited ang kanyang cast sa kanilang proyekto.

They are very excited. Sobra nilang eager and they’re all passionate. They’re stars in the making, diamonds in the rough, I am very proud para sa kanilang lahat,” sabj pa ni Xian.

Bibida sa Project Loki sina Dylan Menor as Loki ang leader ng QED Club, Jayda Avanzado as Lorelei, Marco Gallo as Luthor, Yumi Garcia bilang Jamie, at si Martin Venegas bilang si Alistair.

Kasama rin sina  Love Yauco  as Margarrete, Iven Lim as Bastien, Joanna Lara as Rhiannon/Rhea, Michael Keith as Rye Rubio, Ashley Diaz as Rosetta and Kurt Delos Reyes as Stein.  

Ang AkoSiIbarra’s mystery-crime thriller series Project Loki ay mapapanood sa Cignal Play at Viva One app.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …