Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ariel Daluraya Dream to Arielity

Singer mula Samar magkokonsiyerto sa Viva Cafe 

DREAM come true at ‘di raw makapaniwala si Ariel Daluraya na darating sa buhay niya na magkakaroon ng first major concert via Dream to Arielity na magaganap sa November 20 sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.

Ayon kay Ariel, “Hanggang ngayon po, hindi pa rin ako makapaniwala. Parang panaginip pa rin lahat.” 

Dagdag pa nito, “Sino po ba ang mag-aakala na isang simpleng batang galing sa maliit na bayan ng Villareal, Samar ay magkakaroon ng sarili niyang concert?” 

Bigla nga itong nag flashback nang nagsisimula siya bilang singer ang hirap at saksipisyo na pinagdaanan.

“Sobrang saya at puno ng pasasalamat ang puso ko ngayon. Lahat ng pinagdaanan ko, mga sakripisyo at pangarap unti-unti ko nang nakikita na nagiging totoo. Kaya bawat araw papalapit ng concert, ramdam ko ‘yung halo ng kaba, tuwa, at labis na pasasalamat sa Diyos at sa lahat ng naniwala,” sabi pa.

Masuwerte ito sa pagkakaroon ng mga kaibigan na handang sumuporta at mag-guest sa kanyang first major concert.

“Napaka-suwerte ko po dahil makakasama ko sa entablado ang mga espesyal na taong naging parte ng journey ko. Isa na po riyan si Ms. Ima Castro, na isa sa mga hinahangaan ko sa industriya. Si JMRTN, Juary, Mr. Sand.

“At may surprise guest din po na siguradong magpapasaya sa lahat. Makakasama ko rin po ang aking mga talented front acts na sina Ryle Mendez, JR Baña, Kenneth Serra, at ang Femme MNL. Lahat sila ay may kanya-kanyang kwento at puso sa musika, kaya excited po akong maibahagi ito kasama nila,” dagdag ni Ariel. 

Grabeng paghahanda ang ginagawa ni Ariel para mapaganda ang concert kaya naman expect magical sa Dream To Arielity concert.

“Expect something magical and emotional. Hindi lang ito basta concert, ito ay isang theatrical storytelling experience na puno ng puso at musika,” sabi pa ni Ariel.

Iniaalay ni Ariel ang concert sa kanyang pamilya at sa mga taong nagtiwala at nagtitiwala sa kanyang talento.

“Ihahandog ko sa inyo ang isang journey through ‘Arielit’ na bawat kanta ay kwento ng buhay ko, ng mga pangarap, pag-asa, at pagmamahal. May mga classic ballad, OPM hits, at original piece na tiyak tatatak sa puso ng manonood.

“Gusto kong maramdaman ng bawat isa na sa bawat nota at bawat linya, may bahagi sila ng kwento ko.

“Iniaalay ko po ang concert na ito sa lahat ng taong naniwala sa akin, sa aking pamilya, mga kaibigan, at mga sumuporta mula noon hanggang ngayon. Lalong-lalo na kay Papa Otek Lopez, na walang sawang nagtitiwala sa talento ko at palaging nariyan para tulungan akong abutin ang mga pangarap ko.

“Maraming salamat din sa Abstar Talent Management at sa lahat ng aming sponsor: Miracle Barley kay Maam Beverly Estrada, Siomac kay Boss MacMac, Tres Chic Luxury Original Madam Jhen Boles sobrang thank you po, Tita Cecile Bravo at Tito Pete ng Intele Builders and Development Corp. Skin Essentials by Her kay Doc JC, Ate Shara at Ate Cindy ng Atina Café, Mashaa Family, Pure Nature, MacMac Imported Meat Products, Animo Marketing Group, Jovan Dela Cruz, Dermaworld, Mary Pauline Salon #TeamHenry, Skindalosa At Ateler Fashion Studio. 

“Maraming salamat din po sa mga pupunta ng concert, kayo po ang tunay na dahilan kung bakit may ‘Dream to Arielity.’ Makakaasa po kayo na ang bahagi ng kikitain sa concert na ito ay mapupunta sa 300 street children,” susog pa ni Ariel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …