Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Calub Biohacking frequency healing

Ngiti ni Mommy Ofelia 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

HINDI maitaas ang kanyang kaliwang kamay. Hindi maidiretso. Napapangiwi. Si Mommy Ofelia. Nakatapat sa pulsed electro magnetic frequency machine na si Daddy Isagani Calub.

Ilang minuto rin ‘yun. Kasama ni Mommy Ofelia ang kanyang anak na may problema sa kanyang baga.

Nakita namin ‘yung pagbabago sa ngiti ni Mommy Ofelia. Alam mong guminhawa ang pakiramdam. At panay na ang taas ng kamay. Dalawang kamay na naka-derecho na.

Roon sa Success Mall ‘yun ni John Calub sa Broadway Centrum.

Pamilyar ang pangalan ni Sir John. Nakilala siya bilang “money magnet” coach at marami ng natulungan sa kanyang success coaching in different platforms.

Ngayon ay naka-focus siya sa pagpaplaganap ng magandang kalusugan para sa mga tao. Na ang tutumbukin ay ang pagpapalakas ng immune system.

Kaya nagawa o nadiskubre ang Optimmune capsules.

Sa pamamagitan ng kanyang energy, nagagamit ni Sir John ang kanyang healing para sa mga dinaramdam ng mga lumalapit sa kanya.

Kaya ipinakilala nito sa media ang pinalalaganap niyang biohacking and frequency healing. Paraan para mapigilan ang cancer, diabetes at iba pang mga isyu sa kalusugan.

Isang biglaang pagdadala sa kanya sa pagamutan ang muntik nang tumuldok sa kanyang buhay. Non-bacterial. CPPS (chronic pelvic pain syndrome).

Turning point ng kanyang buhay. Pabalik-balik na pananakit sa parteng ‘yun ng kanyang tiyan. Kaya ‘di niya tinantanan ang pagsasaliksik tungkol sa kanyang sakit. At natumbok ang tungkol sa biohacking.

Katulong ang teknolohiya, pinag-aralan ni Sir John ang mga kailangan sa pagganit nito. Na siya niyang ginawa sa sarili. Isang buwan. Wala ng mahal na  operasyon, medikasyon at pagpapa-ospital.

Isinilang ang Miracles Protocol. At paggamot gamit ang Rife Frequency Generator.

Sinubukan naming pumunta isang Lunes. At ang ama ni Sir John na si Daddy Gani ang nagpapagamit ng device at nag-advice tungkol sa  concern ng nagpapatingin.

Ilang pagbisita pa ang aming gagawin. Isang Lunes pa. O isang Biyernes. Alam ko, gaya ni Mommy Ofelia maganda rin ang magiging ngiti ko.

Subukan niyo rin. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …