Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jak Roberto Kylie Padilla

Jak sa relasyon kay Kylie: girl bestfriend

MA at PA
ni Rommel Placente

TINANONG ni Boy Abunda si Jak Roberto nang mag-guest ito sa kanyang show na Fast Talk With Boy Abunda kung may chance ba na ligawan at maging dyowa niya si Kylie Padilla

Magkasama kasi ang dalawa sa serye ng GMA 7, at maraming nagsasabi na bagay sila. At pwedeng ligawan ni Jak si Kylie dahil pareho naman silang single.

You know, Tito Boy, hindi siya mahirap mahalin. Napaka-open, genuine, and napakatalinong kausap.

“So for me, wala naman sigurong guy na hindi mai-in love sa kanya dahil ganoon siya ka-genuine na tao.

“And kung bibigyan ako ng chance, siguro hindi pa ngayon. Kasi gusto kong ingatan kung anong mayroon kami ngayon bilang close na magkaibigan,” ang sagot ni Jak.

Sundot na question ng King of Talk, “Why will you not take the chance?” 

Tugon ng aktor, “May ganoon, eh, parang kapag nakita mo na siya, first ko kasi na magkaroon ng girl bestfriend if ever. Parang ganoon na kasi ‘yung treatment ko sa kanya.”

Sa nasabing panayam, itinanggi nga ni Jak na nililigawan niya si Kylie, “Hindi po. Hindi po. We’re so comfortable with each other kasi nagka-work na rin kami before, sa ‘Bolera.’

“Natuwa ako sa kanya katrabaho kasi she’s so open sa mga eksena. Wala na siyang parang mga wall and inbihitions. Mahusay siya, sobra.

”Masarap kausap. Marami siyang gustong ipaglaban. Marami siyang mga gustong gawin and i-discover,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …