MA at PA
ni Rommel Placente
PAGKATAPOS kompirmahin ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na may relasyon na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada ay wala pang pag-amin na nanggagaling sa dalawa.
Nananatiling tikom ang kanilang mga bibig.
Pero mukhang totoo na may something na nga kina Daniel at Kaila, huh!
Sa concert kasi ni Daniel, bago niya kinanta ang Sea of Love, na pinasikat nina Phil Phillips & The Twilights ay nag-spiel muna siya.
Sabi ni Deejay, “Siyempre sa babaeng minamahal ko, my love this is for you.”
So, base sa sinabing ‘yun ni Daniel, ay obvious naman na may bago na ngang nagmamaya-ari ng kanyang puso, ‘di ba?
Hindi man binanggit ng aktor ang name ng sinasabi niyang love, siyempre, iisipin ng mga nasa audience na ang anak ni Janice de Belen na nga ang tinutukoy niya.
Sigaw nga ng isa, “Oh, sino ‘yung minamaahal mo?”
Kailan nga kaya aamin si Daniel na si Kaila na ang bago niyang minamahal, na ipinalit niya kay Kathryn Bernardo?
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com