MATABIL
ni John Fontanilla
NASA Pilipinas ngayon ang all Korean girl group na CCSS Ladies Generation para sa kanilang promotion sa iba’t ibang TV shows, radio guestings, at series of shows.
Pito ang members ng CCSS Ladies Generation pero apat lang ang nasa bansa para sa kanilang Philippine Tour at sila ay sina Mi Soon Kim, Jong Sook Yu, Shin Ji Gyun, Hyoun Kyoung Park.
Ang iba pa nilang ka-grupo ay sina Sang Hyeok Lim, SangNim Kim, at Hyeon Sook Park.
Ang CCSS Ladies Generation Philippine Tour ay hatid ng M Entertainment Media Group KR nina Yongbae Jung at Angelica Jung sa pakikipagtulungan ng MVV Entertainment & Productions, Inc. ni Michael Virgino Villanueva.
Bukod nga sa promotion na gagawin nila sa bansa ay papasyalan din nila ang ilan sa magagandang lugar sa Pilipinas at titikman ang masasarap na pagkain na lutong Pinoy.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com