MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYANG-MASAYA ang isa sa sought after endorser sa Pilipinas na si Direk Art Halili sa pagiging part ng pamilya ng MCarsPH.
Sa launching ng MCars PH ng kanilang kauna-unahang multi-level automotive sales program na Elite Agent Platform na makapagko-connect sa mga nais bumili ng sasakyan ay ibinahagi ni Art ang kanyang experience bilang endorser nito.
“Iba ‘yung experience ko bilang ambassador and sales agent at the same time ng MCarsPH. First time ko maka-experience na makasakay sa luxurious cars.
“So lahat-lahat ng mamahalin nilang sasakyan ay ipapa-experience nila sa ‘yo.
“And ang maganda rito kaming mga endorser puwedeng maging agent, puwede kaming kumita.
“’Yun ‘yung nakatutuwa, kasi endorser ka na, kumikita ka pa. ‘Yung iba kasing endprser after mabayaran wala na, ‘yun na ‘yun. Sa MCarsPH tinutulungan nila ang kanilang endorsers na kumita,” pagbabahagi pa ni Art.
Ang McarsPH ang nangungunang car dealership dito sa Pilipinas with one day process, same day release, bank approval para sa mga hulugan o rent to own na sasakyan.
Ayon naman kay Jed Manalang, CEO and founder ng MCarsPH, “Ang kailangan lang nila basic lang – two valid IDs, proof of billing, at proof of income.
“Kailangan lang nilang patunayan na lehitimo sila sa kanilang address at capable silang magbayad ng monthly, at approve na sila sa McarsPH.
“Dito sa ini-launch naming platform, ito ‘yung pagkakakitaan na inihahandog namin sa ating mga kababayang Filipino na kahit wala silang inilabas na puhunan ay pwede silang kumita.
“Ang kailangan lang nilang gawin ay magrekomenda ng mga personal nilang kakilala, kaibigan, kamag-anak o kahit sino pa ‘yan na kailangan ng sasakyan at nahihirapan sa bank approval o naiinip sa kakahintay sa bank approval. Sagot ng MCarsPH ‘yan.
“Sa McarsPH kapag may nairekomenda kikita ka ng P10,000 hanggang P100k o more at makukuha nila ‘yun on the same day of transaction.”
Present sa event at umupo sa presscon si Gabriel Go, Head of the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group-Strike Force (SOG-SF), Socia CEO Josh Mojica at Socia CTO Reiner Cadiz.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com