MATABIL
ni John Fontanilla
MAS nakatutok na sa negosyo at paminsan-pinsan na lang kumakanta si Von Arroyo.
Mas gusto na ni Von na tutukan ang kanyang matagumpay na negosyo at iwan sandali ang pagkanta.
“Negosyo na ‘yung focus ko ngayon. ‘Yung pagkanta siguro kapag may mga okasyon na lang.
“Wala ring time, kailangan ko tumutok sa negosyo, lalo’t sunod-sunod ‘yung projects na ginagawa namin ngayon.”
Ilan sa pinasikat na kanta ni Von ang But If You Leave Me, Hihintayin, Di Ko Maintindihan, Kung Puwede Lang Sana, Rain, Ika’y Magbalik, Please Don’t Ask Me, Smokes Gets In Your Eyes, Through The Fire atbp..
Si Von ang CEO & President ng V Factor PH, isang live digital events, artist management, production design, at multi media.
Ilan sa naging alaga ng V Factor PH sina Hashtag Zeus Collins, Ana Ramsey, at Hashtag Charles Keiron.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com